Montano Minaliit Ang Mga Survey, Ipinaglaban Ang Mga Illegal Settlers

Las Piñas City- Sa isang interview ng mga miyembro ng media, sinabi niya na mayroon siyang dalawang pakay sa kanyang ‘cross-country’ na pangangampanya. “Pumunta ako dito para makita ang aktwal na sitwasyon ng mga squatters at urban poor, at para patunayan na mali ang sinasabi ng mga poll survey”, wika ni Montano. Sinabi din niya na bilang “kampeon ng mahihirap na Pilipino at katarungang panlipunan”, nais niyang makita niya mismo ang kalagayan ng ating mga kababayan upang maging mas madali sa kanyang gumawa ng mga batas na magpapagaan sa kanilang mga buhay. Sinabi din ni Montano na ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao dito at sa lahat ng kanyang mga napuntahang bayan ay hindi umuugma sa isang kandidatong bumababa ang ranking sa mga poll surveys.

“Ang tunay na sintemyento ng tao ay lalabas sa Mayo 14. Hindi ko naman binibalewala ang survey bilang isang walang kahulugang proseso, pero ang pagdami na mga sumusuporta sa akin hindi lamang sa pagdalo sa aking mga kampanya, kundi pati na rin sa paglalabas ng mga text messages, support statements, at mga materyales sa kampanya, ng kanyang mga kaibigan at ng iba’t ibang sector ng lipunan ay patunay na na sa nasa Magic 12 ako sa puso ng mga tao”, inihayag ni Montano.

Pagkatapos lumapag sa NAIA kahapon galing sa pangangampanya sa Mindanao, diretso na sa pagbisita si Montano sa mga mahihirap na lugar sa buong Metro Manila, kung saan malugod siyang tinangap ng mga tao, na sumisigaw pa ng “Buboy, number 1 ka sa amin!” Kahit matindi ang init at pagod niya, sinabi ni Montano na “Ang mainit na pagtanggap sa akin ng mga tao sa iba’ ibang bahagi ng bansa ang nagbibigay sa akin ng lakas at sigla para ipagpatuloy ang aking pangangampanya hanggang sa araw ng halalan. Hindi nakaapekto ang resulta ng mg survey sa aking determinasyon”.

Tungkol naman sa sektor ng urban poor, sinabi ni Montano na dapat maipatupad ng maayos ang Republic Act 7279 o ang Urban Development and Housing Act. Aniya, ang mga taong nabibilang dito ay biktima lamang ng mga kamalian at kapabayaan ng gobyerno simula pa noong panahon ng mga Espanyol. “Hindi lamang natin dapat ilipat ang mga urban poor at mga informal settlers, kailangan din natin silang isali sa mga programa ng gobyernong naglalayong i-decentralize ang Metro Manila at ang buong bansa, sa pamamamagitan ng paglilipat sa kanila sa mga hindi gaanong mataong lugar na mga probinsya kung saan marami pa rin ang mga oportunidad makapagsimula at makapaghanap ng ikabubuhay”, wika ni Montano. Pero mabilis siya sa pagklaripika na hindi niya layong ilipat ang mga tao sa mga walang taong isla o sa mga hindi maaaring tirahang mga lugar. “Bago sila ililipat, kailangang siguraduhin ng gobyerno na meron na silang mga mapagkukunan ng trabaho, may mapapasukang mga iskwelahan ang kanilang mga anak, at kailangang meron na rin silang tubig, kuryente at iba pa”, dagdag pa niya.

Nais niya ding ipatupad dito ang kanyang ‘work-for-a-house’ policy’ upang mapababa ang gastusin sa paglipat sa kanila. Sa patakaran niyang ito, ang mga benepisyaryo ng proyekto na mismo ang magiging manggagawa sa mga programang pabahay kung saan isang tirahan ang magiging kabayaran sa kanila. “Kung desentralisado na ang ating bansa, magiging balanse na ang paglaki ng ekonomiya nito”, wika niya.

Ngunit nang tinanong pa si Montano tungkol sa mga reaksyon niya sa mga lumalabas na survey, sinabi niyang wala siyang nakikitang dahilan para bumaba ang kanyang ranking sapagkat tinutulungan pa nga niya ang kanyang mga kasama sa Team Unity. “Sa mga programa sa kampanya, napapansin kong marami sa mga tao ang pumunta para makita ako ako, makamayan, at masabihang susuportahan nila ako. Marami akong natatangap na suporta, at nakikita ko ang sinseridad ng mga tao kapag ginagawa nila ito. Kaya hindi ako makapaniwala sa resulta ng mga survey na ito”, sabi niya. Idinagdag din niyang nagiging libreng part-time endorser na rin siya ng kanyang mga kasama sa partido sa mga lokal na kampanya, ngunit nakakapagtaka na nalalamangan pa siya ng mga kandidatong ito sa mga survey.

Sinabi naman ni Montano na alam niyang siya ay isang ‘political underdog’. Ngunit ito raw ay hindi sapat na dahilan upang hindi siya iboto ng mga tao, dahil tumakbo siya para sa trabaho at sa serbisyo, at hindi para sa mga makukuhang pera o benepisyong pulitikal. “Nais kong makagawa ng mahahalagang mga batas, hindi makagawa ng pansariling malalaking bahay gamit ang pera galing sa kaban ng bayan. Tama lamang sabihin na dapat iboto ng mga Pilipino ang mga tapat na taong nais maglingkod sa bayan”, winika din niya.

Ang maybahay naman ni Montano, ang aktres at producer na si Sunshine Cruz ay sumali sa Campaign Caravan ng Team Unity sa Pampanga kahapon, at nanamawagan sa mga tao na iboto ang kanyang asawa na isang “simple, matulungin at talentadong at tapat na tao na may malaking puso para sa masang Pilipino”. Kahit nabigla din sa pagbaba ng kanyang asawa sa mga survey, sinabi ni Cruz na, “Itutuon na lamang namin ng aking asawa ang atensyon sa pangangampanya sa kanya bilang senador at sa pagtulong sa TEAM Unity. Hindi kami magpapaapekto sa mga survey na ito”.

Ipinahayag din ni Cruz na nakapagtapos ng kursong Civil Engineering si Montano sa Lyceum University ngunit hindi na nakapagpakadalubhasa dito sapagkat nabaling na ang kanyang atensyon sa Arts, at kalaunan ay sa industriya ng pelikula ng nagbigay dito ng maraming mga karangalan sa Pilipinas mula sa ibang bansa bilang aktor, direktor at producer ng mga pelikula. “Nagamit niya ang kanyang pagiging inhenyero sa pagpapatayo ng mga bahay namin sa Bulacan at sa Quezon City,” wika ng aktres, na nagbunga ngiti at tawa mula sa mga miyembro ng press.

One response to “Montano Minaliit Ang Mga Survey, Ipinaglaban Ang Mga Illegal Settlers

  1. Tristan Noble

    Are you referring the Malacanang-sponsored survey?

    A SURVEY commissioned by Malacañang showed six candidates from Genuine Opposition, four from Team Unity and two independents but “unhappy” Palace officials opted not to release it, sources in Team Unity said yesterday.

    The sources said the survey was conducted in the last week of April.

    Loren Legarda (GO) topped the survey with 61 percent approval rating followed by Manuel Villar (GO) with 53 percent.

    In third was Francis Escudero (GO) with 48 percent.

    Panfilo Lacson (GO) was fourth with 47 percent.

    In fifth to seventh spots were Ralph Recto (TU) with 41 percent, Francis Pangilinan (Ind.) with 41 percent and GO’s Alan Peter Cayetano, 40 percent.

    Benigno Aquino III (GO), Edgardo Angara and Joker Arroyo of TU and Gregorio Honasan (Ind.) were tied in the 8th to 11th spots with 35 percent.

    Vicente “Tito” Sotto III (TU) got the 12th and last spot with 33 percent.

    The rest were Juan Miguel Zubiri (TU), 32 percent; Aquilino Pimentel III (GO), 31 percent; Sonia Roco (GO), 31 percent; Michael Defensor (TU), 27 percent; John Osmeña (GO), 26 percent; Prospero Pichay (TU), 25 percent; Vicente Magsaysay and Cesar Montano (TU), 23 percent. Malaya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s