Montano, Magtutulak Ng Repormang Pang-Edukasyon

 

 

Lanao Del Norte- Dahil ang edukasyon ang nagtutulay sa mahihirap na Pilipino patungo sa mas magandang buhay, sinabi ng kandidato sa pagka-senador na si Cesar Montano sa mga magsasaka at mamamayan ng Munisipyo ng Kapatagan, Lanao del Norte na itutulak niya ang pagkakaroon ng agarang pagbabago sa sistema na edukasyon kung mahahalal siya bilang senador. “Kung mas maraming nakapag-aral sa ating kabuuang populasyon, mas magiging posible ang pagkakaroon ng pag-unlad sa ating bansa. Ang edukasyon ay hindi lamang umiikot sa isyu pagdedesisyon para mag-aral, umiikot din ito sa oportunidad para gawin ito, lalong lalo na sa sitwasyon ng ating mga marginalized na sektor, tulad ng mga magsasaka, urban at rural poor”, paliwanag ni Montano. Naninniwala si Montano na ang pagkakaroon ng tao ng pagkakataong maabot ang kalidad na edukasyon ang isa sa pinakamalaking problema ng ating bansa. “Sa kasalukuyan, ang edukasyon o kawalan nito ay nagiging isang dahilan ng pagkawatak-watak ng ating lipunan” dagdag pa niya.

Bago pa man siya na nagdesisyong kumandidato sa pagka-senador, isa na sa mga adbokasiya ni Montano ang pagkakaroon ng kalidad na edukasyon, at naisabuhay niya ito sa kanyang pelikulang “Jose Rizal” na nag-uwi ng maraming karanganal at nagwagi sa maraming patimpalak. “Naniwala ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan, at totoo nga, ang Pilipinas ay aasa din sa mga kabataang nito pagkatapos ng 15 o 20 pang taon. Samakatuwid, kailangan nating baguhin ang mga mali sa sistema sa edukasyon upang maibigay natin ang pinakamainam na pagsasanay para sa ating mga mag-aaral. Kailangan nating pagtuunan ng pansin ang mga natatapos na gawaing pang- skwela at natututunang kaalaman, aktitud at kasanayan ng isang bata sa bawat araw, at hindi lamang ang kanilang pagdalo sa mga klase o ang pagcheck sa kanilang ‘attendance’, upang magkaroon ang bansa ng mas matalino at maaasahang mga lider, negosyante at mga manggagawa sa hinaharap”, wika din niya.

Sinabi niya na kahit ipinagyayabang ng bansa ang 93.4% na literacy rate nito, ang functional literacy rate naman natin ay nasa 84.1% lamang, at kailangan itong mapataas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas magandang curriculum sa iskwela. Ani pa ni Montano, “Nakakalungkot na pakunti nang pakunti ang gumagradweyt sa bawat antas taon-taon”. “Ngunit hindi lamang ang bilang, kundi ang kalidad ng graduates ang dapat nating pagtuunan ng pansin, “ dagdag pa niya.

Sinabi din ni Montano na may nakikita siyang dapat pagbutihin sa curriculum ng bansa, lalong-lalo na sa edukasyong pangsekundarya. Hindi din niya gusto ang pagbabago-bago ng programa sa bawat pagbabago ng kalihim ng Department of Education (DepEd) sapagkat ang mga pagbabagong ito ay “may katumbas na pera”. Nais niyang magmungkahi ng isang senate bill na magbibigay ng isang malakihang pagbabago sa kurikulum, partikular na oras na inilalaan at bagay na ituturo sa mga asignatura. Ang batas na ito ay magbibigay din ng sampung-taong immunity sa pagbabago sa nagawang programa at grading system, para maiwasan ang pagkalito ng mga estudyante’t guro. Sinabi din niya na kailangan masuri at maberipika ang kalidad ng mga libro sa mga iskwelahan.

Ang malaking pagkakaiba sa kalidad ng edukasyon sa mga siyudad at mga probinsya ay isa din sa mga nakikitang problema ni Montano. Sinabi nitong nakikita niya ang kakulangan sa mga silid-aralan, inprastraktura, libro at marami pang bagay sa iba’t ibang iskwelahan sa probinsya. “Mayroon pa ring mga batang kailangan umakyat ng bundok at tumawid ng ilog para makarating sa iskwelahan. Mayroon pa ring mahihirap na pamilya na hindi pa rin makayang tustusan ang halos libre nang edukasyon sa elementarya at sekundarya ng kanilang mga anak”, dagdag niya. Alam niyang ang pagtatapos ng mga anak nila lamang ang nakikitang paraan ng mga mahihirap na magulang para makaahon sa kahirapan. At dahil ang edukasyon at rural development ay dalawa sa mga plataporma niya, sinabi niyang ang dalawang sektor na ito ay makakaasa sa kanyang tulong pinansyal at pang-inprastraktura.

Para kay Montano, ang sector ng edukasyon ay isang investment na dapat paglagyan ng mas malaking bahagi ng budget. Sinabi niyang hindi siya nakakakita ang dahilan kung bakit binibawasan ng binabawasan ng lehislatura ang budget para sa edukasyon, na nagbunga ng kawalan ng pagbabago sa mga mababa at mataas na paaralan sa bansa, at sa pagtaas ng matrikula sa mga kolehiyo ng gobyerno. “Isipin n’yo na lamang ang isang magulang na maraming binibiling kasangkapan sa bahay kabilang na ang baril habang kakarampot na pera ang inilalaan para sa baon at pag-aaral ng mga anak. Ganyan ang tingin kong nangyayari sa mga proseso ng budget sa ating bansa”, wika ni Montano. Idinagdag din niya na ang kanyang tungkuling ipasa ang budget ng bansa ang kanyang gagamiting paraan para mas mapabuti ang edukasyon.

Ngunit sinabi din ni Montano na ang problema sa edukasyon ay hindi tungkol sa edukasyon lamang. “May mga ibang suliranin ang bansa na malaki ang epekto sa edukasyon tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho at child labor. Hindi dapat mawala sa equation ang mga ito sa pagpapabuti ng kabuuan ng edukasyon,” dagdag niya.

3 responses to “Montano, Magtutulak Ng Repormang Pang-Edukasyon

  1. tama ka nga dyan kuya cesar

  2. dapat ikaw ang nanalo sa eleksyon para magkakaroon ng malinaw at maayos na programa ang pilipinas………………….

  3. sana malaman mo na ako ay bilib na bilib sayo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s